Ang makatlong pamplanetang krisis nang pagbabagong klima, polusyon at pagkawala nang saribuhay ay kumakatawan sa nag-iisang pinakadakilang pagsubok na karapatang pantao sa panahong ito. Nitong Hulyo 2022, pinagtibay nang Pangkalahatang Asembliya nang UN ang makasaysayang resolusyong “Ang karapatang pantao para sa malinis, malusog at sustinableng kapaligiran” (A/Res./76/300). Ang resolusyong ito ay “pagkilala na dapat ang sustinableng pag-unlad, sa tatlo nitong dimensyon (sosyal, ekonomiko, at pangkalikasan), at ang proteksyon ng kalikasan, kabilang ang ekosistema, ay nag-aambag at nagsusulong nang makataong kagalingan at ang kabuoang kasiyahan nang lahat nang karapatang pantao, para kasalukuyan at hinaharap na mga henerasyon. Ang Lupa at Tagapagtanggol ng Pangkapaligirang Karapatang Pantao o Tanggol Kalikasan (EHRDs) ay may mahalagang papel sa pag-aangat nang pagbabago para maprotektahan ang kapaligiran at tumindig para sa mga komunidad at indibidwal sa hindi patas na naapektuhan sa pagkapinsala nang kapaligiran. Sa pagdaan nang ilang taon, sila ang humaharap sa pagsusulong para sa sustinableng kasanayan at makatarungang pagpapaunlad, at upang paghawakan ang mga kinauukulan at mga negosyanteng responsable sa hindi sustinableng kagawian at paglabag sa karapatan nang mamamayan para sa malinis, malusog at sustinableng kapaligiran. Ang toolkit na ito ay mula sa orihinal na kasulatan sa Ingles at naisalin sa Filipino sa pangunguna ni Associate Professor Schedar D. Jocson kabilang sina Prof. Jimmuel Naval, Ms. Zarina Joy Santos, Ms. April Perez at Florentino Iniego. Hinihikayat din ang ibang mga bansa na iayon ang saggunian na ito ayon sa pangangailangang pagpapalakas at proteksyon ng mga Tanggol Kalikasan (EHRDs) upang panghawakan ang ating karapatan sa pangangalaga nang kapaligiran para sa lahat.